Bagong endemic species ng halaman ipinangalan sa isang Bicolanong biologist

LEGAZPI CITY – Ipinangalan sa isang Bicolanong Conservation Biologist ang bagong species ng halaman na begonia na endemic sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing biologist ay si Francis Gregor P. Abuid, na pumanaw noong nakaraang taon sa edad na 25.

Ang species ay binigyan ng siyentipikong pangalan na Begonia francisabuidii, bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap at pagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Bicolano na protektahan, pangalagaan at pag-aralan ang biodiversity ng rehiyong Bicol.

Ayon sa mga kategorya at pamantayan ng red list ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), ang Begonia francisabuidii ay imumungkahi na ilagay sa kategoryang Critically Endangered (CR).

Ang mga mananaliksik mula sa Bicol University (BU) at ang Philippine Taxonomic Initiative (PTI) ay nagtulungan upang magawa ang kahanga-hangang pagtuklas na ito.

Enter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *