Matagumpay na narekober ng mga tauhan ng Quezon City Police District Anti Carnapping Unit ang ninakaw na sasakyan ng isang retiradong opisyal ng Philippine Air Force.
Ayon sa QCPD-ACU, natangay ang sasakyan matapos parentahan sa isang lalaki sa Lipa, Batangas.
Unang nakita ang ninakaw na sasakyan sa Libis, Quezon City kaya agad itong inireport ng biktima sa pulisya.
Agad rin namang nagsagawa ng surveillance ang pulisya at nakatanggap ng impormasyon na nasa Ortigas Extension, Taytay, Rizal ang sasakyan kung saan ito narekober.
Sa ngayon ay pansamantalang naka-impound sa District Anti Carnapping Unit ang sasakyan habang patuloy pa ang imbestigasyon.