Bagac, Bataan may kakaibang gimik para mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna kontra covid-19

May kakaibang gimik ang lokal na pamahalaang ng Bagac, Bataan upang mahikayat ang mga mamamayan nito na magpabakuna kontra covid-19.

Ayon kay Mayor Ramil del Rosasio, ang mga nagpabakuna ay may maiuuwing food pack at may pagkakataong manalo ng 1,000 at 25kilos ng bigas. Maliban pa dito ay mayroon ring raffle weekly kung saan pwedeng manalo naman ng isang motorsiklo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa ni Del Rosario na sa pamamagitan ng ganitong uri ng programa ay marami sa mga residente sa lugar ang mahihikayat na magpabakuna kontra covid-19 ng hindi namimili ng bakuna.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, ang mga ito naman aniya ay mula sa donasyon ng iba’t ibang indibidwal para matulungan rin ang LGU na maabot kaagad ang herd immunity.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: LGU Bagac Bataan

May be an image of text