Babaeng nambato ng mga motorista sa QC – arestado; Tanod naman, nakagat

Pinagbabato ng isang babae ang mga sasakyan na dumadaan sa Barangay Project 6, Quezon City.

Bukod dito, tila nakipag-patintero pa ito; habang pasuray suray sa daan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Pahirapan din ang pagdakip sa kanya ng mga tauhan ng barangay matapos nitong pinagmumura at kinagat pa ang isa sa mga barangay tanod na rumesponde sa insidente.

Paliwanag ng suspek, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang girlfriend kaya napasobra siya sa pag-inom ng alak.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nahaharap ang salarin sa patong-patong na reklamong alarm and scandal, resistence and disobedience, at direct assault upon a perosn or agent in authority.