Babae posibleng mabulag matapos mahagip ng truck ng bumbero

Nanganganib na mabulag ang isang mata ng 31-anyos na babae matapos mahagip ng truck ng Bureau of Fire Protection sa Pateros Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Annie Tiar, residente ng naturang lungsod.

Batay sa kuha ng CCTV naglalakad ang biktima sa sidewalk ng M. Almeda Street sa Barangay Magtanggol kasama ang pang babae nang masagi ng ito ng rumasagasang truck ng bumbero.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Timilapon si Tiar habang maswerte naman nakaligtas ang kasama nitong si Salome Perez.

Kasama naman sa aksidente ang isang nakatigil na itim na kotse at isang motorcycle rider na nakaiwas sa truck.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Agad naman inaresto ng pulis ang driver nitong si FO2 Ramon Lactao II, 36-anyos na nakadestino sa Pateros Fire Station.

Palaisipan naman sa mga biktima kung bakit nakailaw ang sirena ng fire truck at napakatulin ng takbo nito gayong wala naman itong nirerespondehang sunog.

Tumangging naman magbigay ng pahayag si Lactao kaugnay sa naturang insidente.