Ayuda sa mga single mother at inabandonang senior citizen isinusulong sa SP Sorsogon

SORSOGON CITY—Naghain ng panukala ang isang konsehal sa lungsod ng Sorsogon upang mabigyan ng ayuda ang lahat ng mga solo parents at mga inabandonang senior citizen na mga residente ng lungsod.

Sa ginanap na regular session, inahain sa unang pagbasa ni City Councilor Ma. Theresa H. Gonzales ang resolusyong tinawag niyang Assistance for the Care of Offspring or Dependents and Elders Rescue (ACODER).

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Inspirasyon nito sa likod ng resolusyon ang patuloy na hinaing ng mga nanay na mag isang itinatugod ang kanilang mga anak at mga lolo at lola na pinabayaan na ng mga kamag anak na dapat anyang mabigyan ng sapat na tulong.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Sa ngayon pinaplantsa pa ng may-akda ang uri ng tulong na ibibigay ng LGU sa mga nabanggit na benepisyaryo na inaasahang makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.