Average na “chismosa” gumugugol ng 52 minuto hanggang isang oras sa pakikipag chismisan kada araw

LUMABAS sa pag-aaral ng Social Psychological and Personality sa Estados Unidos na aabot sa 52 minuto o hanggang isang oras tumatagal ang pakikipag chismisan ng isang “average na marites” sa loob ng isang araw.

Sa naturang pag-aaral, napag-alam na madalas sa mga nagiging topic o paksa ng chismis ng mga tao ay tungkol sa mga kapitbahay, pumapangalawa ang tungkol sa panlabas na katangian o ‘physical appearance’ habang pumapangatlo naman ang achievement o tagumpay.

Samantala, mas higit namang marami ang mga babaeng mahilig sa chismis kaysa sa mga kalalakihan habang ang mga nakababatang “marites” ay silang mas nagkakalat ng negatibong chismis kaysa sa mga matatanda o betiranong chismosa.

Ganunpaman, ang chismis ay ikinokonsidera umanong pamamaraan ng paglalahad ng social information sakabila ng negatibong imahe nito sa lipunan at komunidad.### JDR