Atty. Roque – dapat na raw itigil ang pagha-‘hallucinate’ ayon sa isang Quad Comm chairperson

Dapat na raw itigil ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang pagpe-‘play victim’.

Ito ang tugon ni House Committee on Dangerous Drugs chair Rep. Robert Ace Barbers matapos pumalag si Roque sa ginawang pagpapa-cite-in-contempt laban sa kaniya, dahilan para tawagin niyang ‘kangaroo court’ ang Quad Comm.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sabi pa ni Barbers, nakapagtataka raw na nagagalit si Roque sa pagpapa-aresto sa kaniya, gayong dati naman, siya rin ang unang pumalag kay former senator Leila de Lima noong siya naman ang sumalang sa imbestigasyon ng kamara.

Dagdag pa ng Kongresista – tila’y nagha-‘hallucinate’ na si Roque lalo na nang sabihin nitong mayroon nang istorya ang Quad Comm bago pa man matapos ang kanilang imbestigasyon.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Sinabi kasi ni Roque na parang ‘guilty until proven innocent’ na sila, at ang mga Duterte, sa mga isyu ng EJK, droga, at POGO.