Naitala ang bagong may hawak ng world record na “Longest Time in an Abdominal Plank Position” (Male Category) ng isang atleta sa Czech Republic.
Napalitan ng atletang nagngangalang Josef Salek ang dating may hawak ng titulo dahil sa bagong record na nairehistro nito na umabot sa 9 na oras, 38 minuto at 47 segundo.
Natalo niya ang dating may hawak ng record na si Daniel Scallio ng Australia na may record na 9 oras at 30 minuto.
Ayon kay Salek, sa unang 6 na oras ay naging madali umano ito, ngunit nang humantong na sa pitong oras ay nangalay na umano siya at kaluna’y nahilo na at sumasakit na ang katawan no’ng ika 9 na oras.
Samantala, ibinahagi naman ni Salek kung bakit umano natitiis niya ang pagkahilo at pananakit ng kaniyang katawan.
Ito’y dahil sa may isang bagay siyang natutuhan nang minsan siyang nakulong ng ilang buwan sa UAE dahil sa salang mistaken identity.
Napgatanto niya na ang buhay ay hindi madali at hindi puro lamang kasiyahan, kung kaya’t ito umano ang naging technique niya kung saan kinokondisyon niya ang kaniyang isip para malagpasan ang ganitong bagay.###|WENCY LISAY