LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na kinakailangan nila ng suporta at karagdagang asitensiya para sa mga residente na inilikas mula sa 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Dr. Cedric Daep ng APSEMO, marami mga populasyon ang nailikas na mula sa nabanggit na danger zone na walang trabaho o kabuhayan kahit pa nasa relocation sites na ang mga ito.
Aniya, karamihan ng mga kabuhay ng populasyonv nailikas ay nasa loob ng danger zone, kung kaya, kinakailangang masuportahan ito ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa nito, inihayag din ng opisyal na nasa paghahanda na ang kanilang opisina kung sakaling magkaroon ng pagtaas sa alert level status ang bulkan at mayroon na rin silang nakalatag na mga plano.
Samantala, tinukoy din ni Daep ang mga lugar o baranggay na nasa 6km danger zone na kinabibilangan ng Brgy. Anolin ng Camalig, Brgy. Mi-isi ng Daraga, Brgy. Baligang ng Ligao City, ilang porsyon ng Brgy. Buang, Magapo, Buhian at San Antonio ng Tabaco City, Brgy. Calbayog, Canaway at ilang porsyon ng Brgy. San Roque ng Malilipot sa lalawigan ng Albay.