Appointment System schedule para sa CSE-PPT, magsisimula na sa Abril 12

SORSOGON CITY –  Nakaeskedyul na sa April 12 hanggang Abril 28, 2022 o hanggang sa sandaling makumpleto na ang mga slots, ang paghahain ng aplikasyon para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Batay sa inilabas na anunsyo ng Civil Service Commission (CSC), dahil sa limitadong slots at bilang pagsunod sa safety protocols, ang CSC RO-V ay magpapatupad ng online appointment system sa mga probinsya ng Albay, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

Kaugnay nito lahat ng mga interesadong aplikante ay kailangang i-access ang link na ro5apps.csc.gov.ph/onsched para makakuha ng slot na nakatakda namang buksan sa ika-8 ng Abril simula alas otso ng umaga.

Hindi naman inoobliga ang mga aplikanteng  PWD, buntis, at senior citizen na makakuha ng mga slot sa pamamagitan ng nasabing system kung saan maaari silang magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa kinauukulang CSC Field Office sa loob ng peryodo ng pag-file at kailangang magpakita ng ID card (PWD/Senior Citizen),  medical certificate at iba pang patunay.

Lahat naman ng mga aplikante mula sa Camarines Norte at Camarines Sur, ay pinapayuhan na direktang makipag-ugnayan sa CSC Field Office.

Ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ay nakatakda sa June 19, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *