Aplikasyon ng prankisa ng tricyle sa lungsod ng Sorsogon, sarado na

SORSOGON CITY – Sarado na ang aplikasyon para sa pagkuha ng Tricycle Franchise sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ang kinumpirma ni Committee on Tricycle Franchise Chairman Councilor Nestor Baldon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon sa opisyal, mananatili na lamang sa 4,900 at hindi na lalagpas rito ang bilang ng nasabing behikulo na maaaring mamasada sa lungsod.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng konsehal ang kanyang mga kasamahan sa Konseho na iwasan na ang pagbibigay ng pangako sa ilan pang mga aplikante ng prangkisa na posibleng lalapit sa kanila, ito’y upang hindi na umasa pa ang mga ito na makakakuha pa ng prangkisa.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Una rito, plano ng konseho na magkaroon ng malawakang information dissemination hinggil sa nasabing bagay upang wala nang mag-apply pa ng tricycle franchise.