APEC tiniyak na 100% na handa sa elektrisidad para sa eleksyon sa Albay

LEGAZPI – Tiniyak ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) na 100% na handa na ang mga ito sa May 9 National and Local Elections.

Ito ang inihayag ni Apolinario Alvarez, chief operating officer ng nasabing korporasyon sa Press Briefing. Ayon kay Alvarez, halos lahat ng linya ng kuryente ay nainspeksyon na mga ito ang mga linya nang kuryente.

Tiningnan nito ang mga voting center na gagamitin na polling precints sa mga paaralan, inspection rin ang mga substation, hot spot area at inayos na rin ang voting center na may transformer.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aabot sa 595 na voting center ang kanilang nainspeksyon. Sa nasabing bilang mayroong 43 ang natukoy ng apec ang pinalitan na service trap at 8 rito ang mayroong sira o burn na agad naman itong napalitan.

Maliban pa rito nagsagawa rin ng line clearing ang korporasyon upang maiwasan ang power interruption. Sinabi ng opisyal, sa araw mismo ng election day ay magkakaroon muna manual load tracking para matiyak na stable ang boltahe sa mga voting center.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, aabot sa 4 na barangay sa bayan ng Rapu Rapu at 2 barangay sa bayan ng Oas Albay ay wala rin linya ng kuryente o connection kung kayat sa mga nabanggit na bilang na barangay ay kinakailangan gumamit ng generator set sa araw mismo ng botohan.

Mga malalaking substation ay nagsagawa na rin ng testing at preventive maintenance upang hindi na magkaroon umano ng aberya sa araw ng election