LEGAZPI CITY – Hindi pa masasabi ng Albay Power and Energy Corporation na sa mga susunod na araw o linggo ay walang ng brown out na mararanasan ang mga consumers.
Ayon kay Patricia Gutierrez, tagapagsalita ng naturang corporation, wala rin katiyakan ang Apec na hindi na magkakaroon ng brown out sa pagsalubong ng kapaskuhan at bagong taon dahil sa hindi nila ito kontrolado tulad ng weather elements, foreign objects na tatama sa poste o linya ng kuryente at NGCP .
Maliban pa rito, wala pa hanggang sa ngayon na hinahawakan na scheduled brow out sa mga susunod na mga araw o linggo.
Nais rin ng Apec sa pagsalubong ng kapaskuhan at bagong ay walang mararanasan na scheduled brown out upang maging masaya ang mga consumers sa pagsalo salo ng kanilang pinaghandaang pagkain para sa kapaskuhan at bagong taon.
Samantala, Ipinaliwanag rin ng Apec ang nagiging dahilan ng kanilang malawakang o mahabang oras na brown out sa bawat linggo ay dahil sa nagsimula na ang mga ito ng kanilang rehabilitation ang mga linya ng kuryente at poste sa buong lalawigan mg Albay.
Maliban pa rito ay hindi na rin kinakayang supplayan ang linya ng kuryente dahil sa dumami ang gumagamit ng kuryente kung kayat nararanasan ng mga ito ang mahinang supply ng kuryente sa kanilang tahanan o negosyo.
Kinakailangan ilipat ang ilan na linya ng kuryente upang masupplayan ng sapat ang mga kabahayan at negosyo.
Isa pa sa mga dahilan ng mga ito ay biglaang pagdami ng tao o population ng Albay.
Dagdag pa nito inaayos rin ang bawat sub station ng linya ng kuryente at ang Bicol International Airport na mabigyan ng tamang supply ng kuryente.
Sinabi ng opisyal, maaari umanong maranasan pa rin ng Albayanl sa susunod na taon ang mahabang oras na brown out na walo hanggang sampung oras dahil sa patuloy pa rin ang ginagawang rehabilitation.