APEC at COMELEC-Albay, nakatakdang magpulong para talakayin ang preparasyon sa pagtitiyak ng sapat na suplay ng kuryente ngayong eleksyon

BNFM BICOL– Nakatakdang magkaroon ng pagpupulong ang pamunuan ng Albay Power and Energy Corporation o APEC at ang Commission on Election o COMELEC-Albay sa mga susunod na araw.

Ito ay upang talakayin ang mga karampatang hakbang at preparasyon para matiyak na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa suplay ng kuryente sa mismong araw ng Halalan ngayong May 9, 2022.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa pakikipagtulungan ng COMELEC, isasagawa ng APEC ang pag inspeksyon sa mga kawad at linya ng kuryente sa mga itatalagang voting centers sa probinsya, gayundin ang assessment sa mga substation, voltage, hotspot checking, pag standardize ng mga transformers at iba pa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Matatandaang una na ring inihayag ng Department of Energy (DOE) na nakikipag ugnayan na ang kanilang ahensya sa Energy Regulatory Commission, at iba pang electric power industry stakeholders para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente ngayong summer season lalo na sa darating na eleksyon.###