Apat na lola huli sa ‘Entre Cuatro’

SORSOGON CITY – Hindi na nakapalag pa ang apat na lola matapos na maaresto sa sugal na entre cuatro kaninang alas 4:30 ng hapon sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Estela Ercas Espadero, 67-anyos, residente ng Brgy Buenavista; Nelia Guardian Lim, 67-anyos, may asawa, residente ng Brgy Panganiban; Perla Estiller Endraca, 68-anyos, biyuda, residente ng Brgy Ariman at Marilyn Esperida Espaldon, 67-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Pinontingan, lahat ng nabatid na bayan.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Sa ulat, naisuplong umano ng isang concerned citizen sa mga awtoridad ang nasabing pasugalan kung saan ang operator ay si Espadero.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sa ikinasang raid ay nakumpiska dito ang isang set ng baraha at perang taya.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa ilegal na sugal.