Anti-endo ni Hontiveros, nais suportahan ng dalawang bagong senador

Nais suportahan ng dalawang bagong senador na si Senator Raffy Tulfo at Senator Robin Padilla ang Security of Tenure Bill o anti-endo ni Senator Risa Hontiveros.

Layon nito na itigil ang labor-only contracting kung saan nagha-hire ang ilang mga kumpanya ng mababa sa anim na buwan para hindi makapasok sa regularization na nakasaad sa Labor Code.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ayon kay Hontiveros, nais din niyang ipasa ang universal pension para sa mga senior citizens at ang Sexual Orientation Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, humingi siya ng tawad dahil naubusan umano siya ng oras sa 18th Congress para sa pagpapatupad ng Linga Para Kay Lolo at Lola Bill. (ARGIE ERGINA)