Nagwagi bilang NBA champions ang magkapatid na sina Giannis at Thanasis Antetokounmpo na dahilan upang mapunta sila sa parehong lebel na nakamit ng kanilang mas batang kapatid na si Kostas.
Dahil diyan, ay sila na ang kauna-unahang trio na magkakapatid na nanalo ng league title.
Kung maalala ay naglaro si Kostas, 23-anyos, para sa Los Angeles Lakers, na nanalo sa NBA championship noong nakaraang taon.

Ibinahagi ng 26-anyos na si Giannis na nagkakabiruan na sila minsan habang naghahapunan dahil naunahan pa siya ng kaniyang nakababatang kapatid na magkaroon ng ring bago siya.
Ngayon aniya, ay meron na rin silang championship ni Thanasis.
Kung maalala ay kinilala si Giannis bilang NBA Finals Most Valuable Player matapos nitong mag-average ng 35.2 points, 13.2 rebounds at five assists sa kanilang 4-2 series win laban sa Phoenix Suns.
Ang 29-anyos naman na si Thanasis, na nagkaroon ng minor role off the bench sa playoffs, ay hindi naka-aksyon sa huling dalawang laro ng Finals alinsunod sa health at safety protocols ng NBA.