CAMARINES SUR-Patay ang isang padre de pamilya matapos na tagain ng sariling anak sa Sagñay, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jerry Clerigo y Montañez, 54-anyos habang ang suspek ay ang 26-anyos na anak na si Jessie, mga residente ng Sitio Dolom, Brgy Kilomaon.
Sa ulat ng PNP bandang hating gabi nitong Hunyo 3, 2023 nang magkaroon ng argumento sa pagitan ng mag-ama habang nasa impluwensya ng alak ang anak. Kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga sa iba’t-ibang parte ng katawan ang ama na nagresulta sa kamatayan.
Ayon kay PCpt. Mark Spaña ang Deputy Chief of Police ng Sangay PNP, ilang beses nang pinagsabihan ng ama ang anak na maghanapbuhay upang mayroong pagastos araw-araw kasama ang kaniyang live-in partner na ikinasama ng loob ng suspek.
Sa pagresponde ng mga otoridad, sumuko ang suspek at nagsisi sa nagawa niya sa kaniyang ama.
Mahaharap ito sa kasong Parricide.