Alyssa Valdez, nanguna sa all-female Philippine delegation sa Cambodia SEA Games opening parade

Pinangunahan ni Volleyball star Alyssa Valdez ang all-female Philippine delegation bilang flag bearer ng team sa opening parade ng 32nd Southeast Asian Games sa Morodok Techo Stadium sa Cambodia.

Kabilang sa mga atletang sumama kay Valdez sa parada ay sina basketball’s Jack Animam, Janine Pontejos, Mikka Cacho, at Afril Bernardino, trackster at Olympian Kristina Knott, at Olympic silver medalist at boxer na si Nesthy Petecio.

Read More:  Alex Eala to face No. 10 Amanda Anisimova in Cincinnati Open

Ang delegasyon ay nakasuot ng Francis Libiran-designed barong pieces na tinaWag na “Araw.”

Read More:  Carlos, Karl Eldrew Yulo to lead PH Gymnastics Team in 2026 Asian Games

Nauna nang sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na ang all-female delegation ay isang pagpupugay sa mga kababaihan sa sports.

Ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang pitong medalya (2 ginto, 2 pilak, 3 tanso) bago ang pagbubukas ng seremonya.//CA