Alyssa Valdez , magiging flag-bearer ng Pilipinas sa opening ceremony ng SEAG

Pangungunahan ni Volleyball star Alyssa Valdez ang watawat ng Pilipinas sa opening ceremony ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Biyernes.

Siya ang napiling maging flag bearer ng bansa, kung saan iwawagayway niya ang bandila kasama ang female delegation sa gaganaping ng parade of nations sa Morodok Techo Stadium.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), best choice si Valdez bilang flag bearer dahil hindi lamang siya mukha ng Philippine volleyball kundi maging ng Philippine sports.

Read More:  Amaya Cojuangco ends PH’s 12-year archery medal drought

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magiging flag-bearer si Valdez ng bansa para sa biennial event. Naatasan na siyang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa 2015 SEA Games sa Singapore.//CA