Alkalde ng Ligao City kompyansa na makuha ang 70% population sa pagbabakuna

LEGZPI CITY – Halos dinagsa umano ng libo libong nagpapabakuna sa 2nd day ng 2nd dose ng National Vaccination day sa lungaod ng Ligao.

Ayon kay Mayor Patricia Gonzales Alsua ng nasabing lungsod, kompyansa na maabot nito ang 70% target population dahil sa isang porsyento na lamang ang kakailanganin sa pagbabakuna.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Aniya, bago man matapos ang taon 2021 ay sigurado na makakamit nila ang heird immunity sa lungsod. Base sa record ng City Health Office ng Ligao nasa 69% na ang total fully vaccinated.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Sinabi ng opisyal, patuloy din naman ang kanilang pagbabakuna sa mga vaccination area upang mabigyan ng proteksyon laban sa covid.