Aljur Abrenica, OK na magkaayos sila ni Kylie Padilla

Inamin ni Aljur Abrenica na handa siyang magkabalikan sila ng kanyang dating asawa na si Kylie Padilla.

Ayon kay Aljur, bahagi ng kanyang buhay si Kylie, matapos ang halos isang dekadang pagsasama.

Read More:  Tom Rodriguez expecting second child with non-showbiz wife

Hindi naman sumagot ang aktor nang matanong kung mahal pa niya ang aktres, pero inamin nito na araw-araw sila magkausap kahit matapos ang kanilang hiwalayan.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Giit lang nito, walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, parehong nakatutok sa co-parenting ang dalawa sa kanilang dalawang anak. //MHEL PACIA