Alex Gonzaga, muling nakaranas ng miscarriage

Ibinunyag ni Alex Gonzaga na muli siyang nakaranas ng miscarriage noong Oktubre nang sinubukan nilang bumuo ulit ng kanyang asawang si Lipa City councilor Mikee Morada, sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF).

Ayon kay Alex, sa kabila ng kanyang emosyonal na pinagdadaanan, ang kanyang pananampalataya sa Panginoon ay nanatiling mas malakas kaysa sa nararamdamang hinagpis.

Read More:  Keanna Reeves unfazed by 28-year age gap with younger boyfriend

Sinabi rin nito sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, nagpasya silang subukan ang IVF dahil sa sobrang pressure na magkaroon ng anak.

Read More:  Alex Gonzaga’s latest post sparks online buzz: Has she given birth?

Habang nagbabalik-tanaw sa kanyang ikalawang miscarraige, sinabi ni Alex na napagtanto niya na ang lahat ng nangyari ay may dahilan sa mata ng Diyos.