Alex Eala –  wagi sa women’s doubles title ng W50 tournament sa Pune, India

Wagi si Alex Eala ng Pilipinas at ang kanyang partner na Latvian na si Darja Semenistaja sa women’s doubles title ng W50 tournament sa Pune, India.

Read More:  Alex Eala eyes another deep run at US Open

Tinalo ng dalawa sina Naiktha Bains ng Great Britain at Fanny Stollar ng Hungary sa finals.

Bago ito, tinalo na nila ang pares ng Hapon na sina Saki Imamura at Naho Sato sa semifinals, at ang pares nina Jessie Aney ng USA at Lena Papadakis ng Germany sa quarters.

Read More:  PLDT bounces back, keeps title defense alive

Ito ang unang propesyonal na titulo ni Eala sa Doubles division.