Albay, wala naitalang fireworks-related injuries sa unang tatlong araw ng monitoring ng DOH Bicol sa mga paputok

Mula nang mag-umpisa ang pagsasagawa ng surveillance o monitoring ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga paputok ay hindi pa nagkakaroon ng mga kaso ng fireworks-related injuries (FWRI) ang lalawigan ng Albay.

Batay sa datos ng ahensya, zero cases ang lalawigan sa lahat ng uri ng mga fireworks tulad ng kwitis, lucis, five-star, improvised canon, fountain, watusi, piccolo, stray bullet at iba pa.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa unang araw ng monitoring noong Disyembre 23 ay wala ring naidagdag sa mga kaso ng FWRI sa buong rehiyon, ngunit may nauna nang naitala rito noong Disyembre 21-22 ng taon kung saan mula ito sa lalawigan ng Camarines Sur.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng ahensya na umiwas sa mga paputok at gumamit na lamang ng mga alternatibong paingay sa pagdiriwang o pagsalubong ng bagong taon.