Albay, muling nakapagtala ng 11 kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ng 11 kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Albay ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos ng ahensya, ang may pinakaramaming naitala ay sa Ligao City na mayroong tatlo; tigdalawa sa Daraga, Legazpi at Tabaco City; habang tig-isa naman sa Malilipot at Camalig.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Nagiging kampante na umano ang ilan sa mga Albayano at tila kinakalimutan na rin ang mga health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay o paglalagay ng facemask tuwing lalabas ng tahanan.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Pakiusap ng DOH sa publiko na kung wala namang mahalagang pupuntahan, ay huwag nang lumabas upang makaiwas at hindi na mahawaan pa ng nasabing sakit.