Albay dairy plant, tiniyak na mahigpit nilang sinusunod ang food security measures

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Albay Dairy Plant na mahigpit nilang sinusunod ang mga ipinapatupad na mga food security measures sa kanilang planta upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng kanilang produkto.

Mula umano sa kanilang staffs hanggang sa nagluluto o nagpo-proseso ng gatas ay sumusunod sa kung ano ang sistema at tamang procedures nito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dagdag pa nito, mahigpit silang sumusunod dahil iniiwasan nilang magkaroon ng kontaminasyon at iniiwasan ding mabawasan ang kalidad ng kanilang produkto.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Siniguro din ng opisina na rehistrado sila sa Food and Drug Administration (FDA) at mayroon silang lisensiya upang mag-operate.

Nangangahulugan lamang umano na lahat ng patakaran ng FDA sa pagtiyak ng kalidad at kalinisan ng mga produkto ay kanilang sinusunod.