Alas Pilipinas, nasungkit ang bronze sa AVC Challenge Cup for Women

Muling winalis ng Alas Pilipinas ang Australia Volleroos sa score na 25-23, 25-15, 25-7.

Dahil dito nasungkit ng Alas ang bronze medal para sa 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Ito ang pinakaunang podium finish ng Pilipinas sa kasaysayan ng bansa sa women’s volleyball.

Bumawi agad ang Alas Pilipinas sa pagkatalo noong semis kontra Kazakhstan.

Dikit pa ang unang set bago lumamang ng 18-11 ang Alas Pilipinas na nahabol ng Australia ngunit hindi kinaya ng mga Aussie na kumpletuhin ang comeback.

Sa second set naman naging Eya Laure at Angel Canino show kung saan binuhat nila ang koponan at pagpasok sa third set, nagpakawala ang Alas ng 9-0 run mula sa 16-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *