BNFM BICOL– Nasa 622 pa ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Bicol Region batay sa pinakahuling tala ng Department Of Health-Bicol, kahapon.
Sa tala ng ahensya, ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamarami pa ring aktibong kaso ng sakit na mayroong 146; sinusundan ito ng Masbate na mayroong 90; ang Albay ay may 64; 54 sa Naga City; 44 sa Catanduanes; may 13 ang Legazpi City; may pito ang Camarines Norte habang dalawa naman ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan ng Sorsogon.
Bunsod nito nasa 10.4 na lamang ang daily attack rate ng COVID-19 sa rehiyon at katunayan ay walang naitalang bagong kaso ng sakit ang ahensya kahapon.
Bagamat patuloy ang nararanasang downtrend ng COVID-19 sa rehiyon, patuloy naman ang paalala ng ahensya sa mga Bicolano na sundin pa rin ang mga umiiral na health protocols.###