Sumipa na sa pito ang bilang ng munisipalidad na may aktibong kaso ng Swine Fever sa Oriental Mindoro – ayon sa Department of Agriculture.
Ayon kay DA Asec. Arnel De Mesa, karamihan sa apektadong lugar ay nasa Timog na bahagi ng Oriental Mindoro.
Dagdag pa ni De Mesa, humigit-kumulang 2K na baboy ang namatay at nasa higit 400 ang apektadong nag-aalaga ng baboy.
Dahil dito, tumagatingting na P48M ang halaga ng baboy na namatay doon sa nasabing lugar.
Sinabi ng DA na magkakaroon ng disinfection at bibigyan muna ng alternatibong kabuhayan ang mga magbababoy hangga’t hindi pa ASF-free ang Oriental Mindoro.
