Inilunsad kahapon, unang araw ng Hulyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva vizcaya ang kanilang mga programa ngayong buwan ng nutrisyon sa pangunguna ni Nueva Vizcaya Governor Atty. Jose V. Gambito.
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Sa PPAN: Sama-Sama para sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat,” Ayon kay Provincial Nutrition Officer Luzviminda Ragpa, kabilang sa mga aktibidad ay ang Nutrition Month Vlogging Contest: Poster Making Contest: Batang Hataw sa Galaw: Digital Photography Contest: at Buntis Congress. S
Sa kaniyang naging pananalita, binigyang-diin ni Governor Gambito na kinakailangang pagtuunan ang kalusugan ng mga kabataan upang makaiwas sa ibat ibang karamdaman.
Kikilalanin sa isasagawang culminating activity ang mga mananalo sa ibat ibang patimpalak.
Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay consistent recipient ng Nutrition Honor Award, ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng NNC sa LGU na may mahusay na pagpaplano, pagsasaayos ng implementasyon ng lokal na programang pang-nutrisyon sa kanilang nasasakupan.