AKB party list Cong. Bongalon, may panawagan sa mga ahensya ng gobyerno tungkol sa mga pangangailangan ng mga lugar

Nananawagan si Ako Bicol Party List Cong. Jil Bongalon sa lahat ng mga opisina ng gobyerno tungkol sa mga pangangailangan sa bawat lugar.

Ayon sa kongresista, kung mayroon umanong mga kakailanganin sa mga komunidad katulad ng mga pangangailangan sa mga relocation sites o mga evacuation centers ay agad na ipagbigay-alam sa kanila upang mabigyan ng pansin o pondo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, ang gobyerno ay may kapasidad na maglaan ng sa mga relocation.

Ngunit silang mga nasa Committee on Appropriations ay bumabase mismo sa necessity o pangangailangan at mga suliranin.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kaugnay ito sa mga naiuulat na mga pagbaha sa ilang mga relocation at evacuation sites tuwing may mga pag-ulan.

Kaya naman pakiusap ng opisyal na ipagbigay-alam sa kanila kung nagkakaroon man ng ganitong uri ng sitwasyon.