Aiko, sumeksi at tila mas bumata ang itsura

Ibinahagi ng aktres na si Aiko Melendez ang kanyang sikreto matapos nitong mag-post ng litrato kung saan ay tila bumata at pumayat ito.

Sa Instagram post ni Aiko ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga tao na nagbibigay sa kanya ng magandang feedback.

Mababasa sa post ni Aiko: “Hi Guys, thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments. But id like to make a correction for those online food delivery claiming about my weight loss,”

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Sinabi ni Aiko na nagwowork-out siya habang sinasabayan ito ng proper diet sa pamamagitan ng keto at plant-based na pagkain na dini-deliver sa kanya ng isang meal provider.

Dagdag ni Aiko, nakatulong rin sa kanya ang mga iniinom niyang supplements para siya ay maging healthy at younger looking at pati na rin ang serbisyo ng isang dermatological center.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Inihayag rin ni Aiko na masaya siya na naiinspire niya ang marami na muntik nang sumuko sa kanilang weight loss journey.

Iginiit ni Aiko na “It is never too late” at posible ang lahat basta’t meron tayong tamang mentality para maging mas malusog.