Idineklara ng Quezon City Council ang komedyante at aktres na si Ai-Ai Delas Alas kabilang ang direktor na si Direk Darryl Yap bilang ‘persona non grata’.
Ito’y dahil sa isang video na ginawa ng nasabing direktor kung saan ginamit ang official seal ng lungsod na umanoy pambabastos sa mga elemento nito.

Ayon kay District IV Councilor Ivy Lagman na nagsumite ng resolusyon, pag-insulto umano ito sa marangal na representasyon ng naturang seal.
Samantala, hindi pa naman nagbigay ng kanilang pahayag ang dalawang akusado kaugnay sa desisyon ng konseho. (ARGIE ERGINA)