Ahas sa tabi ng daan, walang takot na dinampot ng isang waitress at ibinalik sa ilog

Kabrigada, gaano kalakas ang loob mo pagdating sa mga ahas?

Kumakalat ngayon sa social media ang viral video ng isang Thai restaurant waitress na walang takot na dinampot ang ahas na natagpuan sa tabi ng restaurant kung saan siya nagtatrabaho.

Makikita sa video na ito na unang sinubukang ilayo ng ibang staff ang ahas gamit ang walis at dustpan ngunit hindi ito mailagay-lagay sa gamit na cleaning tools.

Dahil naman umano sa inip ay dinampot na lang ng matapang na waitress ang naliligaw na ahas at dinala ito gamit ang isang kamay papunta sa kalapit na ilog sa nasabing lugar.

Kampante namang bumalik ang waitress sa restaurant na parang wala lang sa kanya ang ginawang paghahatid matapos niyang ibalik ang ahas sa natural habitat nito. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from Mineia Martins

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *