Agriculture sector, naka likha ng mahigit 500 thousand jobs noong Disyembre

Iniulat ng National Economic and Development Authority o NEDA na tumaas ang labor participation sa bansa batay sa December 2023 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni NEDA Usec. Rosemari Edillon na nakalikha ng mahigit 500 thousand jobs ang sektor ng agrikultura noong buwan ng Disyembre.

Habang ang pinaka malaking job creation ay mula sa industry na nasa 900,000, at pangatlo ang services na merong 100, 000 job creation.

Sa industry ang may pinakamalaking subsectors ay ang construction na nasa 777,000 na nalikhang trabaho at sumunod ang manufacturing.

Habang ang agriculture at forestry naman ay nasa top5 subsector din na nakalikha ng pinagsamang 715, 000 employment.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *