Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton, pumalo na sa 47

Umabot na sa 47 ang kumpirmadong bilang ng mga buhay na binawi ng Bagyong Agaton.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Baybay City Mayor Jose Carlos Cari na 47 na ang bilang ng mga labing narecover sa nagpapatuloy na rescue and retrieval operations sa mga lugar na apektado ng landslide.

Dagdag pa ng alkalde, mayroon pang nasa 12 na missing mula sa dalawang mga barangay.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa ngayon, vine-verify pa rin umano ng kanilang tanggapan ang bilang naman ng mga posibleng namatay na rin sa ospital.

Higit 1,200 naman ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa Baybay.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapalipad ng drone para malaman kung mayroon pang mga survivor sa ilang barangay na higit na apektado ng pagguho ng lupa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, sa hiwalay naman na panayam kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, sinabi nitong simula kaninang umaga ay lumobo na sa 580,876 indibidwal o 213,327 na pamilya ang apektado ng Agaton sa 924 barangays sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at BARMM.

Sa bilang na ito, higit 30,000 o 13,000 pamilya pa ang nananatili sa 348 na evacuation centers.
#