Siniguro ni Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong suporta nito sa iba’t ibang programa ng Department of Education.
Sa press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bacarro na mismong si Vice President Sara Duterte ang humingi ng kanilang tulong sa kanyang pakikipagpulong kahapon sa mga ahensyang kabilang sa security sector.
Paliwanag niya, naglatag kahapon ang iba’t-ibang ahensya ng kanilang mga programa at kung paano ito maililinya sa programa ng DepEd.
Ibinigay na halimbawa rito ang ‘Oplan Balik Eskwela’ para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kasama rin sa mga programang pagtutuunan ng pansin ng DepEd katuwang ang AFP ay ang mandatory ROTC sa higher education.
Ayon kay Bacarro, may mga rekomendasyon na sila ukol dito ngunit sa ngayon ay hindi pa nila maidedetalye.
#