AFP, nanawagan sa publiko na huwag mag-panic sa hindi pa beripikadong impormasyon re: sa nakatutok na hypersonic missiles ng China sa PH

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na huwag mag-panic.

Ito’y makaraan ang pahayag ni Sen. Imee Marcos na may nabalitaan syang hypersonic missles ng China na nakatutok na sa Pilipinas.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Ayon kay AFP Chief Of Staff General Romeo Brawner Jr., wala pa silang nakikitang report na magkukumpirma sa impormasyon na hawak ng senadora.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Gayunaman, sinabi ni Brawner na makikipag-ugnayan sila kay Sen. Marcos at sa ibang may impormasyon kaugnay sa nakatutok umanong hypersonic missile ng China sa Pilipinas.