AFP, nagsagawa ng ikalawang multilateral maritime cooperative activity kasama ang U.S., Japan, at Canada sa WPS

Nagsagawa ng ikalawang multilateral maritime cooperative activity ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Philippine Navy, kasama ang United States Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy sa West Philippine Sea noong Linggo.

Sa panig ng Pilipinas, lumahok ang BRP Andres Bonifacio.

Kasama ng barko ng Philippine Navy ang USS Ralph Johnson ng U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force Murasame-class destroyer JS Kirisame, at Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Montreal.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., layon ng exercise na mapalakas ang interoperability ng Sandatahang lakas at ang commitment ng AFP sa mga kaalyado nitong pwersa na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Indo-Pacific region.

Pinapakita rin aniya nito ang kanilang commitment sa pagkakaroon ng regional stability ayon sa umiiral na international law at rules-based international order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *