Aerial survey, isinagawa sa epekto ng shearline sa Davao region

Nagsagawa ng aerial survey ang mga awtoridad sa pinsala ng baha sa Davao region dulot ng shearline.

Sa ulat ng 10th Infantry Batallion ng Philippine Army, dito nakita na 50 mula sa unang iniulat na 154 lugar na binaha, ang baha parin hanggang kahapon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, naka-deploy na rin ang mga mobility assets ng Philippine Army para tumulong sa relief at rescue operation.

Nakahanda rin ang kanilang mga military trucks at iba pang resources para umalalay sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC ng mga apektadong probinsiya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Tiniyak ng militar ang tulong at suporta sa mga apektadong komunidad sa panahon ng sakuna.