Active Covid-19 cases sa Sorsogon, 55 na dahil sa 17 new cases

SORSOGON CITY – Mula sa 47 nitong nakatalikod na araw, umabot na sa 55 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid – 19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, pito sa bagong nadagdag ay mula sa lungsod ng Sorsogon, apat naman sa Castilla, habang tig-iisang bagong kaso ang mga bayan ng Casiguran, Donsol, Gubat, Juban, Matnog at Pilar.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa nasabing bilang, tatlo rito ay mga Health Care Workers, tatlo naman ang may travel history at 11 mga walang travel history.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa kabuuan umabot na 8,611 ang total covid-19 cases sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 8,079 ang recoveries at 477 death toll.