ACT: ‘Pension funds, ‘di dapat i-risk sa Maharlika Investment Fund’

Nanindigan ang grupo ng mga guro na Alliance of Concerned Teachers o ACT na hindi dapat ituloy ang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF)

Binatikos ni ACT- Metro Manila Union President Ruby Bernardo ang proibsyon sa panukala na kung saan ay magkakaroon ng inisyal na allocation ang MIF mula sa mga government financial institutions.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay Bernardo, hindi dapat i-risk ng gobyerno ang pension funds ng mga Pilipino na ilang taon nilang pinag-ipunan.

Aniya, hindi dapat mapasakamay ng nino man ang buong buhay na hinulugan ng mga manggagawang Pilipino sa kung sino-sino lamang.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Matatandaaang nakapaloob sa House Bill 6398 ni House Speaker Martin Romualdez na magkakaroon ng inisyal na P275Billion allocation mula sa iba’t ibang state financial institutions kabilang na ang GSIS, SSS, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at sa National Treasury.

Ibig-sabihin, i-iinvest ang pondong gagamitin sana bilang pention money, papunta sa pooled funds ng Maharlika.