Acorda, ipinag-utos ang pagtugis sa mga nasa likod ng Ampoan Criminal Group

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Police Regional Office 8 director PBGen.Reynaldo Pawid na habulin o tugisin ang mga nasa likod ng Ampoan Criminal Group sa Sta. Margarita, Samar.

Ginawa ni Gen. Acorda ang utos kasabay ng kanyang pagbisita sa Samar ngayong araw.

Iginawad ng PNP ang Medalya ng Sugatang Magiting, nagbigay ng financial assistance, at iba pang benepisyo sa 3 pulis na nasawi sa engkwentro na ngayon ay nakahimlay sa Calbayog City, Samar.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Binisita rin ni Gen. Acorda ang 4 na sugatang pulis na patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa PNP Chief, labis niyang ikinalulungkot ang sinapit ng kanyang mga tauhan, pero ang pagsusugal ng buhay ay bahagi ng propesyon ng isang pulis.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 7 miyembro ng naturang criminal group habang patuloy ang ginagawang hot pursuit operation laban kina Edito Ampoan, lider ng Ampoan Criminal Group; at Jojo Altarejos, miyembro ng Manias potential criminal gang; at Rogelio Macurol na pawang may mga may warrant of arrest.