Absolute Divorce Bill – na-transmit na sa Senado

Kinumpirma ni Albay First District Representative Edcel Lagman na nai-transmit na sa Senado ang inaprubahang House Bill 9349 o Absolute Divorce Act.

Ito ang nakumpirma sa liham mula kay House Secretary General Reginald Velasco na may petsang June 10, 2024 kung saan ipinadala na ang panukalang batas kay Senate President Chiz Escudero.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ang hakbang ay bilang pagtalima sa hiling ni Lagman kay Velasco noong May 28 na agad nang i-transmit ang Divorce Bill matapos ang “unanimous directive” ng Kamara.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi ni Lagman na nangangahulugan itong hindi na kailangang hintayin ang aksyon ng plenaryo sa pagbubukas ng Third Regular Session sa July 22.

Mababatid na naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Divorce Bill sa botong 131 affirmative, 109 negative at 20 abstentions.