Abogadong pinatay sa Surallah, nakatanggap ng mga death threats

KORONADAL CITY — NAKATANGGAP ng mga death threats ang abogadong pinagbabaril – patay sa bayan ng Surallah, South Cotabato, Miyerkules ng gabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Police Major Romy Castanares, hepe ng Surallah PNP, isa sa kanilang mga tinututukan sa ngayon ang mga kasong hinahawakan ng nasabing abogado.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maliban dito, tinututukan din umano nila ang iba pang anggulo sa krimen.

Tatlo umano ang mga suspek sa pamamaril na sakay ng motorsiklo at nagpanggap na kliyente.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kalibre 45 na baril ang ginamit sa pamamaril sa naturang abogado na nagtamo ng mga sugat sa ulo, kamay at iba pang bahagi ng kanyang katawan.