Aabot sa 80 na buhay na manok pinamigay sa mga Indigenous People (IPs) bilang alternatibong kabuhayan ngayong pandemya sa bayan ng Sto. Domingo Albay

LEGAZPI-Aabot sa 80 na buhay na manok ang natanggap ngayon ng mga Indigenous People o IPs ng Barangay San Andres Bayan ng Sto Domingo lalawigan ng Albay bilang alternatibong kabuhayan ngayong pandemya.


Ang nasabing tulong ay pinamahagi ng Department of Agriculture kasama rin ang Albay Breeding Station at pakikipag koordina sa Municipal Social Welfare and Development Office at MAO office ng nasabing bayan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur


Matapos ang pinamahaging mga manok, binigyan din ng kaalaman ng mga nasabing opisina ang mga IPs kung pano nila ito aalagaan at paparamihin ng sa ganun ay makatulong sa kanilang kabuhayan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university


Kung babalikan, ang barangay San Andres ay isa sa mga lugar sa bayan ng Sto Domingo na matatagpuan ang mga pamilya ng Indigenous People na kung saan nabigyan rin ang ilan sa mga ito ng mga permanenteng bahay.