Programang “I-TEXT MO SI DONG” ng Pamahalaang Panlalawigan pormal ng ilulunsad sa katapusan ng Agosto

CAMARINES NORTE – Ngayong darating na ika-30 ng Agosto, 2022 ay pormal ng ilulunsad  ng Pamahalaang Panlalawigan ang  programang “I-TEXT MO SI DONG”.

Layon ng programang ito na makapagbigay ng agarang pagtugon sa publiko sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga reklamo at karaingan sa mga gawa ng “red tape”, katiwalian at hindi maayos na serbisyo mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Ang mga concern ng bawat indibidwal ay maaaring maipaabot sa pamamagitan ng pagtext ng DONG (SPACE) <IYONG MENSAHE> at isend  sa “hotline” na may numerong 744466773.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Ang pormal na paglulunsad ay gagawin sa pamamagitan ng maikling programa na dadaluhan ng mga Department heads sa lahat ng tanggapan ng  kapitolyo.