Inilikas ng 1st Provincial Mobile Force Company kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Candelaria, Zambales ang mga nakatira sa Sitio GalaGala, Barangay Binabalian ang ilang pamilya.
Ito ay dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig sa creek bunsod ng walang tigil na pag-unlad dala ng bagyong Florita.
Ayon kay 1st PMFC Chief PMaj. Bryan Christopher Baybayan, mahigit limampung pamilya ang kanilang inilikas sa rumaragasa at tumataas ng tubig sa lugar.
Kaugnay nito tumulong din sa pagrescue si Mayor Byron Jones Edquilang na walang tigil din umano sa pagmonitor sa kalagayan ng mga residente sa lahat ng barangay ng candelaria.
Ang mga inilikas ay pansamantalang dinala sa itinalagang evacuation center ng lokal na pamahalaan.//Russell Banawa-BNFM IBA
PHOT: PMAJ. BRYAN CHRISTOPHER BAYBAYAN
